CEBU CITY – Naging tahimik at halos walang katao-tao ang paligid ng Basilica Minore del Sto. Niño sa lungsod ng Cebu ngayong kanselado ang physical novena masses sa Fiesta Señor 2021.
Ito’y bunsod ng lumalalang banta ng COVID-19 lalo na at lumobo ulit ang bilang ng mga nahawaan nito pagkatapos ng holiday season.
Ayon sa tagapagsalita ng Basilica na si Fr. Ric Anthony Reyes, magpapatuloy pa rin ang mga misa sa loob ng chapel at ibo-broadcast naman ito sa pamamagitan ng online streaming.
Sinabi rin nito na mananatiling bukas ang compound ng simbahan para sa mga bumibisitang deboto habang striktong ipinatupad ang minimum health and safety protocols sa paligid nito.
Humingi naman ng paumanhin ang simbahan at ng Cebu City Government sa publiko sa naging desisyon dahil sa nararanasang epekto ng pandemya.