KALIBO, Aklan – Exclusive lamang sa mga turista ang paliligo sa baybayin ng isla ng Boracay kasabay sa selebrasyon ng kapistahan ni San Juan de Bautista.
Ito ay matapos na ipagbawal ng lokal na pamahalaan ng Malay ang mass gatherings at paliligo sa mga ilog at dagat sa lahat ng mga residente bilang bahagi pa rin ng pag-iingat laban sa COVID-19.
Sa ipinalabas na advisory ng munisipyo ng Malay, layunin nito na mapigilan ang lalo pang pagkalat ng deadly virus.
Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista na hindi sakop ng ban ang mga turista dahil bago makapasok ang mga ito sa isla ay kailangan silang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR tests.
Nakapagtala ang Malay Tourism Office ng 16,047 na turista sa Boracay mula Hinyo 1 hanggang 20 kung saan halos 64 percent nito o 10,220 ay mula sa NCR plus.
Mas mataas ito kumpara sa naitala noong Disyembre na mayroong 15,307 tourists at Enero na may 11,898.
Inaasahang malalampasan pa ang 16,487 na turistang nai-record noong Pebrero, ang pinakamataas mula ng buksan ang isla sa mga bakasyunista sa gitna ng pandemya.