ROXAS CITY – Mas pinaigting pa ng bansang Thailand ang kanilang kampanya laban sa Wuhan Corona virus, matapos tumaas na sa walo ang mga nahawa ng nasabing sakit.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Cleo Rose Jondonero, sinabi nito na mahigpit na ipinatutupad sa mga paliparan ang manual checking sa mga pasahero, katulad na lamang nga pagpapanga-nga at pagkuha ng temperature.
Nagpalabas rin ng utos ang Ministry of Public Health sa Thailand sa mga hotels sa Hua Hin na i-check ang mga passports ng mga Chinese tourist
Inatasan rin ang mga staff ng hotels na kaagad na ipagbigay alam sa mga health officials, kung may makita silang mga turista na may sakit o nagpapakita ng flu-like symtoms ng sa gayun ay mapuntahan ito ng mga health officials.
Samantala umaabot sa 80 hanggang 1 billion bhatt na kita mula sa turismo sa Thailand ang inaasahang mawawala kasunod ng pagpapatigil sa biyahe ng mga turista mula China patungong Thailand.