-- Advertisements --

Nabigla ang maraming pasahero ng isang paliparan sa Rio de Janeiro, Brazil matapos magpalabas ng mga malalaswang pelikula ang nakatayong LED screen.

Ayon sa airport operator ng Brazil na Infraero na ang mga LED screen monitors ay ginagamit sa advertisement mula sa pribadong kumpanya.

Paliwanag sa kanila ng nasabing kumpanya na napasok ng hackers ang kanilang sistema kaya naipalabas ang malalaswang pelikula.

Umani naman ng magkakaibang batikos mula sa pasahero ng paliparan kung saan may ilan ay ginawa lamang katatawan ito habang ang iba ay nagalit dahil sa may mga kasama silang mga bata.

Pinagpapaliwanag na ng airport operator ang may hawak ng screen monitor display.