-- Advertisements --
Bumabalik na sa normal ang operayon ng paliparan sa Hong Kong.
Ito ay matapos na lusubin ito ng mga ilang libong mga nagsagawa ng kilos protesta.
Nililinisan na rin ang mga naiwang basura ng mga nagsagawa ng kilos protesta.
Bagamat mayroon pang ibang protesters ang naiwan sa paliparan ay nakakagalaw naman ng maluwag ang mga pasaherong dumarating sa Hong Kong.
Naging sarado naman ang maraming mga bilihan sa paliparan dahil sa isinagawang kilos protesta.
Magugunitang nilusob ng ilang libong protesters paliparan kung saan nagdulot ito ng pagkansela ng maring flights.