-- Advertisements --

Iniimbestigahan ng mga otoridad sa India ang pag-overshoot ng dalawang pampasaherong eroplano na may sakay na 200 pasahero.

Unang nag-overshoot sa runway at napunta sa maputik na lugar ang Air India Express.

Nabalahaw ng ilang oras ang eroplano mula sa Dubai na may kargang 183 pasahero.

Sumunod naman na nakaranas ng pag-overshoot ang Spice Jet plane na may lulan ng 50 pasahero at crew.

Hindi agad nakapagpreno ang piloto dahil sa naranasang zero visibility.

Pansamantalang isinara ang paliparan pa imbestigahan ang nasabing insidente.