-- Advertisements --

Nabulabog ang mga pasahero ng Gatwick Airport sa London matapos ang pagkakadiskubre ng pinaghihinalaang pinagbabawal na gamit na nasa bagahe.

Dahil dito ay agad na nagresponde ang explosive disposal team para agad na masuri ang nasabing gamit.

Kinordonan ng mga kapulisan ang lugar kungs saan naging mahigpit din ang ginagawa nilang pagsusuri sa mga pumapasok sa lugar.

Ang Gatwick Airport ay siyang pangalawang busiest airport sa Britanya kung saan pinalikas ang malaking bahagi ng terminal.

Dinala naman palabas ang kahinahinalang gamit at doon na pinasabog para hindi na makapinsala pa sa mga pasahero.

Matapos ang mahigit isang oras ay pinabalik na ang mga tao at naging normal na ang daloy ng trapiko sa lugar.