-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Pinag-aaralan na ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang sagot ni Abra Governor Joy Bernos sa alegasiyong lumabag ito sa alituntunin ng enhanced community quarantine.

Una rito, nakatanggap si Bernos at ng dalawa pang gobernador sa bansa ng show cause order dahil sa naturang akusasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay DILG-Cordillera Regional Director Marlo Iringan, sinabi niyang nagsumiti na ng sagot ang gobernadora.

Aniya, naipadala na sa central office ng DILG ang paliwanag ni Bernos.

Inihayag ni Iringan na sa ngayon ay pinag-aaralan na ng legal services office ng DILG ang paliwanag ng gobernadora.