Sa ikalawang sunod na taon sa kabila ng coronavirus pandemic, pinangunahan pa rin ni Pope Francis doon sa Vatican ang Palm Sunday mass na siyang hudyat ng pagsisimula ng Holy Week.
Idinaos ang nasabing misa sa loob ng Saint Peter’s Basilica kung saan limitado ang mga congregation na nakiisa, habang milyon pa rin naman ang sumubaybay sa pamamagitan ng customary global television at radio broadcasts at live streaming.
Sa Homily ng 84-year-old pontiff, ipinaliwanag nito ang kaibahan ng admiration o paghanga sa amazement o pagkamangha.
Ayon sa Santo Papa, ang paghanga ay maaaring maging komplikadong salita dahil sinusunod lamang nito ang pansariling interes at expectation ng isang tao. Habang ang labis na pagkamangha ay may malalim na kahulugan kung saan tatanggapin pa rin nito sakaling may magbago man sa dating hinahangaan.
“We have to go be beyond admiring Jesus, (and) follow in his footsteps, to let ourselves be challenged by him; to pass from admiration to amazement,” wika ng Mahal na Papa.
Nanawagan din si Pope Francis na mas palakasin pa ang ating pananampalataya kung saan magtiwala na ang pagmamahal ng Diyos ay may kaakibat lagi na kapatawaran.
Sana aniya ay maging bukas ang mga mata ng mga Katoliko sa pagbitiw sa mga disappointments sa buhay na siyang posibleng dahilan kung bakit nahihirapan na makapagsimulang muli sa buhay.