Nagtungo sa mga simbahan sa ibat-ibang panig ng bansa ang mga debotong katoliko para ipagdiwang ang tradisyunal na Palm Sunday na siyang hudyat sa pag umpisa ng Holy Week.
Kaniya-kaniyang bitbit ang mga deboto ng kanilang mga Palaspas na siyang bebendisyunin sa isasagawang Palm Sunday Masses.
Ang nasabing religious tradition ay mula sa Biblical account kung saan naganap ang triumphant entry ni Jesus sa Jerusalem kung saan wini-welcome siya ng mga Jews sa pamamagitan ng pagwawaygayway ng kanilang mga palm leaves.
Ang pagtungo ni Jesus sa Jerusalem ang siyang inauguration of his Passion, Death and Resurrection.
Sa kabilang dako, dito sa Metro Manila,maaga pa lang kanina ay buhos na ang mga Katoliko sa iba’t ibang simbahan sa Palm Sunday.
Sa Manila Cathedral sa Intramuros, si Cardinal Luis Antonio Tagle mismo ang nanguna sa pagbabasbas sa mga palaspas.
Alas-7:00 ng umaga nang sabay-sabay na binindesyunan ng holy water ni Cardinal Tagle ang mga palaspas.