-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inako ni Atty. April Joy Balano, provincial election supervisor ng Commission on Elections (COMELEC) Surigao del Sur ang palpak na pagpapadala ng Certificate of Canvass (COC) para sa pagka-presidente at besi-presidente sa kongreso na nagsilbing National Board of Canvassers (NBOC).

Ito ang sagot ng provincial election officer matapos mag-isyu ng memorandum ang COMELEC central office upang kunin ang paliwanag ng tatlong election supervisors kaugnay sa hindi kaagad napadalang COCs na naging sanhi ng temporaryong ppagsuspende ng canvassing nitong nakalipas na araw.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Balano na una siyang pinaalam ni Congressman Johnny Pimentel kaugnay sa hindi pagdating sa Kongreso sa COC na aniya’y nahalo sa ibang envelope kung kaya’t ng maibalik ay hindi kaagad niya nakita dahil sa selyado ang envelope.

Kaagad naman niya itong na-transmit pabalik sa congressional secretariat sa pamamagitan ng kanilang Viber account.

Handa rin umano si Atty. Balano na tanggapin ang anumang magiging pasya ng kanilang sentrong tanggapan saay pahayag na personal na rin niyang naihatid sa NBOC ang physical copy nito.