-- Advertisements --
Pasado na ang resolusyon na nag-aapruba para isailalim sa state of calamity ang bayan ng Paluan, Occidental Mindoro, matapos mapinsala ng tidal waves na aabot sa limang metro nitong nakalipas na araw.
Nabatid na daan-daang residente ang lumikas dahil sa pagkasira ng kanilang mga bahay.
Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa P300 million ang napinsala, kasama na ang mga bahay, bangka at seawall sa lugar.
Ayon kay Paluan Mayor Carl Pangilinan, apektado ang kabuhayan ng kaniyang mga kababayan kaya nagbibigay muna sila ng relief supply.
Nabatid na kabilang sa mga nawasak ng alon ang mga bangkang ibinigay ng China sa mga tripulante ng F/B Gemver 1 na binangga ng Chinese vessel sa Recto bank noong Hunyo 2019.