Muling iginiit ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tuloy pa rin ang nakatakdang deadline para sa sa Industry Consolidation ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.
Layunin ng consolidation na ito na pag-samahin ang mga tsuper o operator sa iisang korporasyon upang mas mapabilis ang paghahatid ng tulong ng gobyerno sa kanila.
Ito ang naging tugon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa banta ng ilang transport group na magkakasa sila ng malawakang tigil pasada sa buong bansa sakling ipilit ng kanilang ahensya ang implementasyon nito.
Sa isang pahayag, sinabi ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, hindi magpapadikta ang kanilang ahensya sa banta ng naturang grupo.
Punto ng opisyal, patuloy silang gumagawa ng hakabnag upang maging simple at madali ang proseso ng naturang consolidation sa mga jeepney operator at driver.
Tiniyak rin nito na walang mawawalan ng pangkabuhayan dahil hindi naman mandatory ang pag modernize sa mga pampasaherong jeep sa bansa.
Una rito, nagbabala naman ang LTFRB na mahaharap sa kaukulang multa at pasura ang sinumang lalahok sa tigil pasada na magdudulot ng problema sa transportasyon sa Pilipinas.
Sa kabila nito ay nakahanda naman ang ahensya na maglaan ng mga libreng sakay sa publiko sakaling matuloy ang tigil pasada