Pormal ng nanumpa bilang bagong US attorney general si Pam Bondi.
Pinangunahan ni Supreme Court Justice Clarence Thomas ang panunumpa niya kasama ang partner nitong si John Wakefield at inang si Patsy Bondi sa Oval Office ng White House.
Sa unang araw ng kaniyang panunungkulan ay agad na magsasagawa ng imbestgasyon at tatanggalin ang mga maling batas na ipinatupad ni dating US President Joe Biden.
Magugunitang sinabi ni US President Donald Trump na kayang ibalik ni Bondi ang pantay, patas at impartial na hustisya at ang pagbabalik ng constitutional rule of law sa US.
Si Pamela Jo Bondi ay American attorney na miyembro ng Republican Party.
Naging Florida Attorney General ito mula 2011 hanggang 2019 na siyang unang babaeng naitalaga sa nasabing puwesto.