Bumuo na ang pamahalaan ng isang Technical Working Group (TWG) na manguna sa transition ng Sulu matapos itong opisyal na tanggalin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Mula sa BARMM, mapupunta na ang naturang probinsya sa national government.
Inaprubahan ng Intergovernmental Relations Body (IGRB) ang naturang grupo upang bumuo ng transition plan, reasignment ng mga empleyado, pagpapatuloy ng serbisyo nito, financial support, program implementation, revenue collection, at ang tuluyang paglipat sa mga Bangsamoro-owned assets papunta sa national government.
Ang naturang grupo ay binubuo ng ilang mga matataas na opisyal at eksperto tulad nina Budget Secretary Amenah Pangandaman, BARMM Education Minister Mohagher Iqbal, at iba pa.
Nagpasalamat naman si Sulu Gov. Abdulsakur Tan sa suporta ng national government at ang commitment nitong maitaguyod ang provincial government ng Sulo sa kabila ng bagong kautusan ng Korte Suprema.
Nitong Setyembre 9, 2024 ay inilabas ng Korte Suprema ang ruling nito na pumapabor sa constitutionality ng Bangsamoro Organic Law. Gayonpaman, idineklara nitong hindi bahagi ng BARMM ang probinsya ng Sulu.