Handa ang pamahalaan na magbigay ng assistance para sa mga Pilipino na nakabase sa Sri Lanka sa gitna ng nagpapatuloy na krisis sa ekonomiya.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Hans Cacdac na inaantay pa sa ngayon ang request gaya ng pangangailangan ng pagkain, tubig, vitamins at hygeine necessities para sa ating mga kababayan na natukoy ng Department of Affairs (DFA).
Sa ngayon walang nakabase na opisina ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Sri Lanka. Tanging ang Philippine Embassy sa Dhaka, Bangladesh at Honorary Consulate General sa Colombo ang siyang nagmomonitor sa sitwasyon ng nasa 700 Pilipino na nasa Sri Lanka.
Pinaplano na rin ng pamahlaan ang posibilidad na paglulunsad ng repatriation flight para sa mga Pilipinong nais umuwi ng Pilipinas.
Tiniyak naman ng OWWA official na mayroong ibibigay na asisitance ang gobyenro para sa mga repatriated Filipinos sa oras na makauwi sila sa bansa kabilang ang transportasyon, pagbibigay nh livelihood assistance, school assistance para sa mga anak ng mga aktibong OWWA members.
Magugunita na noong nakalipas na linggo, inilagay sa Alert level 2 ang crisis alert level sa Sri Lanka na nangangahulugan ng pagbabawal muna sa deployemnt ng overseas Filipino workers sa Sri lanka at tanging ang mga mayroong existing contracts lamang ang papayagang makabalik sa South Asian country.
Hindi naman mandatory sa iallim ng Alert level 2 ang repatriation o evacuation.
Samantala, ayon sa OWWA walang mga Pilipino ang nasugatan sa mga isinagawang kilos-protesta sa Sri lanka.