-- Advertisements --

Hindi ititigil ng pamahalaan ang pagsugpo sa mga teroristang grupo sa bansa.

Ito ang pinandigan ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kasunod ng sagupaan sa may lalawigan ng Batangas nitong weekend na ikinasawi ng isang sundalo at 6 na rebelde ng New People’s Army.

Nangyari ang naturang sagupaan 3 linggo matapos gawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng amnestiya ang dating mga miyembro ng rebeldeng grupo kabilang ang NPA.

Una na ring nangako ng tulong ang opisyal sa pamilya ng nasawing sundalo at medical assistance sa 3 iba pang nasugatang mga sundalo sa engkwentro.

Ang napatay na sundalo ay miyembro ng 59th Infantry Batallion habang ang mga nakasagupang rebelde naman ng pwersa ng gobyerno ay pinaniniwalaang affiliated sa Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4C.