Hinihimok ng pamahalaan ang mga nasa transport sector na mag-avail ng “Tsuper Iskolar” program, na inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong 2018 katuwang ang Department of Transportation (DOTr).
Layunin ng programa na mabigyan ng scholarship at livelihood training ang mga driver. Nagbibigay din ito sa mga benepisyaryo at kanilang mga pamilya ng libreng skills training, skills assessment, at entrepreneurship training.
Ang mga scholarship grant ay ibinibigay sa mga driver, operator, miyembro ng kooperatiba, at mga benepisyaryo ng mga co-member.
Binigyan din ang mga benepisyaryo ng food at transportation allowance na nagkakahalaga ng P350.00 kada araw para sa 30 hanggang 35 araw na pagsasanay.
Ayon DOTr-Office of Transportation Cooperatives Chairperson Jesus Ferdinand Ortega, nahihikayat ang ibang tao na mag-avail ng “Tsuper Iskolar” dahil sa allowance dahil ito ay nagsisilbing kasiguruhan para sa kanila na mayroon silang mabibili para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.