-- Advertisements --

Hinikayat ang gobyerno na isama ang booster shot sa pagtukoy ng fully vaccinated na indibidwal.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, pinuno ng adult infectious diseases sa San Lazaro Hospital na ang pagbaba ng COVID-19 immunity, pagpapagaan ng mga paghihigpit, at mga superspreader na kaganapan ay maaaring mag-ambag sa isang posibleng development ng Covid-19 surge pagkatapos ng halalan sa Mayo.

Aniya, dapat baguhin ang definition ng fully vaccinated kung saan dapat kasama na rito ang booster shots.

Pangalawa ay ang pagrequire sa mga workplaces na pag bumalik ang mga tao sa trabaho, i-encourage natin na bago sila makabalik kailang ay naka-booster doses na rin sila.

Umaasa rin si Solante na aprubahan ng pamahalaan ang second booster para sa mga senior citizens, immunocompromised, at persons with comorbidities.

Magugunita na ang departamento ng kalusugan ay nag-aplay na amyendahan ang emergency use authority of COVID-19 vaccines upang isama ang ika-4 na dosis para sa unang dalawang sektor.