Kinalampag ni Senate Committee on Public Services chairwoman Grace Poe ang pamahalaan dahil sa kawalan ng proactive na polisiya para sa mga pasahero na dumarating sa bansa mula China na nakakaranas ngayon ng panibagong outbreak ng COVID-19 cases.
Ayon pa sa Seandora dapat na muling imandato ng pamahalaan ang COVID-19 testing para sa mga pasahero na dumarating galing China.
Saad pa ng mambabatas na kailangang magpasya ng pamahalaan ng angkop na polisiya hinggil sa naturang isyu at ipaalam ito sa lahat ng mga biyahero. Nakita aniya sa ating naging karanasan sa nakalipas na tatlong taon sa gitna ng pandemiya na ang delayed at uninformed covid-19 related policies ay mas nakamamatay kumpara sa pandemiya mismo,
Una ng sinabi ng Department of Health (DOH) na ang kasalukuyang health protocols ng bansa ay nananatiling epektibo sa kabila ng mga naglitawang bagong variant ng covid-19.
Subalit giit ng Senadora na dapat sundin ng bansa ang aging hakbang ng ibang mga bansa gaya ng Amerika, United Kingdom, France, Canada, Japan at south korea na muling nagpatupad ng kanilang mandatoryong covid-19 tests at iba pang patakaran sa mga arrivals mula china.