-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang ngayong araw na magdodoble kayod ang pamahalaan para patuloy na masoluyunan ang problema sa gutom at kahirapan sa bansa.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson at Communications Sec. Martin Andanar matapos na lumabas sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na isinagawa noong Disyembre 12 hanggang 16 na 11.8 percent ng mga pamilyang Pilipino ay nakaranas ng gutom sa huling quarter ng 2021.

Lumabas sa naturang SWS survey na ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa last quarter ng 2021 ay mas mataas ng 10 percent o tinatayang 2.5 million pamilya na naitala sa third quarter ng nakalipas na taon.

Pero ito naman ay mas mababa kumpara sa 16.8 percent na naitala noong May 2021 at 13.6 percent naman noong Hunyo 2021.

Ayon kay Andanar, kinukonsidera ng Malacañang ang mga numerong ito bilang malinaw na indikasyon ng positiv e impact ng mga programa ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

“We have done much during this challenging time but we underscore that much more needs to be done to continuously address hunger and poverty,” ani Andanar.