May nakatabi pang isa punto at apat na bilyong piso ang Social Welfare and Development Department na standby funds at stockpiles para sa taong 2022.
Ito ang ipinahayag sa Bombo Radyo ni Social Welfare Undersecretary Edu Punay, sa harap ng ilang mga kalamidad pa ang tumama sa bansa ngayong taon.
Mahigit P450 million dito sabi ni Punay ay available standby funds na nasa kanilang punong tanggapan.
Sapat pa aniya ito sabi ni Punay para sa response efforts ng ahensiya sakali mang may mga kalamidad pang humagupit sa mga natitirang araw ng 2022.
At kaugnay naman ng bagyong Paeng, sinabi ni Punay na gaya ng mga nagdaang bagyo ay maaga silang nagpre- position Ng mga family food packs at relief goods.
Sapat ani Punay ang mga kakailanganing pagkain Ng mga residenteng mahahagip Ng bagyong Paeng.