May nakalatag na ng contigency plan ang pamahalaan sa ikinasang tatlong araw na tigil pasada ng ilang transport group.
Ito ang pagtitiyak ng Inter-Agency Task Force Monitoring Team sa tigil pasada na isasabay sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa July 24 hanggang 26.
Ang nasabing task force ay pinamumunuan nina Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra, MMDA Acting Chair Atty. Don Artes, at MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga pinuno ng Metro Manila Traffic Bureau.
Ilan sa mga plano na kanilang inilatag sa ginawa nilang pulong ay paglalagay ng libreng sakay sa mga lugar na apektado ng transport strike.
Magugunitang desidido ang grupong Manibela na ituloy ang tigil pasada sa susunod na linggo.