Ang pamahalaan muna raw ang bahala na sumagot at umalalay sa mga mababakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na mayroong adverse effect o hindi magandang epekto sa kanilang katawan.
Ayon kay Department of Health (DoH) Usec. Maria Rosario-Vergeire, humiling daw kasi ang mga vaccine manufactueres na magkaroon ng indemnification agreement.
Nais daw ng mga manufacturers na wala munang makasuhan sa kanila dahil ang mga bakuna ay kasalukuyan pang dini-develop.
Dahil dito, ang pamahalaan daw muna ang sasagot sa gagastusin ng mga indibidwal na mayroong hindi magandang reaksiyon ng bakuna.
Kung sakaling ma-ospital daw ang isang indibidwal na matuturukan ng bakuna ay sasagutin ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng PhilHealth.
Pero ayon kay Vergeire hindi lamang daw ang pagpapa-ospital ang sasagutin ng pamahalaan dahil mayroon silang ibibigay na suporta at assistance.
Magkakaroon naman daw ng iba pang forms ng indemnification at isinasapinal na ito sa ngayon.
Pangunahin namang hinahanapan sa ngayon ng pamahalaan ng pondo para sa indemnification.