Nagsasagawa ng panibagong round ng National Vaccination Days ang Department of Health (DOH).
Layon nito ay para hikayatin ang mas maraming tao sa buong bansa na kumuha ng kanilang booster shots laban sa COVID-19.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang pamahalaan ay naglalagay ng three-day national vaccination upang gawing mas madaling ma-access ang COVID-19 jabs.
Sinabi niya na ang gobyerno ay nagbibigay ng mga pangunahing bakuna sa lahat ng mga indibidwal na limang taong gulang pataas, mga unang booster sa lahat ng 12 taong gulang pataas at 2nd boosters para sa mga senior citizen, health care worker at mga may comorbidities at immunocompromised.
Sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno, sinabi ni Vergeire na maraming tao ang nag-aalangan na kumuha ng COVID-19 jabs.
Ngunit idiniin niya ang pangangailangan para sa mga tao na makakuha ng COVID-19 booster bilang karagdagang proteksyon, lalo na ngayong kapaskuhan.
Dagdag ni Vergeire na isinusulong ng health department ang pagpasa sa panukalang Center for Disease Control Law upang maipatupad ang patuloy na pagtugon sa COVID-19, kahit na matapos ang national state of calamity sa katapusan ng taon.
Ngunit kung hindi maisasabatas ang panukala, sinabi ni Vergeire na hihilingin ng DOH ang tatlong buwang pagpapalawig ng state of calamity.