-- Advertisements --

Nakahanda ang traffic management authorities para alalayan ang mga mananakay at motorista sakaling palawigin pa ang tigil pasada sa gitna ng holiday rush ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Tiniyak din ni MMDA chair Atty. Romando Artes na may nakahandang inter-agency coordination sa mga lokal na pamahalaan para sa nationwide transport strike ng mga grupo ng transportasyon na PISTON at MANIBELA mula Dec. 18 hanggang 29 para maibsan ang epekto nito sa mga mananakay.

Isa din aniy sa mga hakbang para ma-mitigate ang epekto ng tigil pasada ng mga dyip ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng sakay sa mga lugar na namonitor na nahihirapang makasakay.

Ayon pa kay Artes, magpapakalat ang MMDA ng 2,000 traffic enforcers para sa Christmas rush.

Maaalala na una ng inanunsyo ng PISTON at MANIBELA ang panibagong transport strike sa ikalawang raw ng kanilang transport strike bilang protesta sa nakaambang deadline ng consolidation ng PUV operators sa ilalim ng PUV modernization program sa Dec. 31. – EVERLY RICO