Umabot na sa 88,124 na family food packs ang naipamahagi sa mga mga pamilya mula sa Surigao del Sur na unang naapektuhan ng Mag 7.4 na lindol.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Ang kabuuang bilang ay binubuo ng 13,400 FFP na natanggap ng mga pamilya mula sa Bislig City; 13,050 ang natanggap ng Hinatuan; 10,000 FFPs ang natanggap ng Tandag City; at 8,939 ang natanggap ng Tagbina.
Umabot rin sa 8,135 ang natanggap ng Tago; 7,885 ang natanggap ng Carrascal; 4,737 ang natanggap ng Madrid; at 4,500 ang napunta sa bayan ng Cortes.
Umabot naman sa 4,400 ang napunta sa Lingig; 3,172 ang napunta sa San Agustin; 2,887 ang dinala sa Barobo; 2,562 sa Bayabas; 2,223 sa San Miguel; 1,162 sa Cagwait, at 1,000 in Lianga.
Tiniyak din ng kalihim na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang monitoring sa kalagayan ng mga apektadong pamilya upang matiyak na matugunan ang kanilang iba pang mga pangangailangan.