-- Advertisements --

Nakikipagtulungan na ang gobyerno ng Pilipinas sa mga envoy ng kaalyadong bansa para maareglo ang pagpapalayaa sa 17 Pilipino na na binihag ng Houthi rebels habang naglalayag noon ang kanilang cago vessel na M/V Galaxy Leader sa may Red Sea.

Ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo De Vega, isa sa konkretong hakbang na ginagawa ng pamahalaan ay nakikipagtulungan sila sa mga ambassadors at gobyerno ng ibang mga bansa na mayroong mga mamamayan na binihag din sakay ng cargo vessel tulad ng Romania, Bulgaria, Mexico at Ukraine.

Una na ngang inamin ng opisyal na wala pang progreso sa ngayon sa nagpapatuloy na negosasyon sa gitna ng umano’y demand ng Houthi rebels na itigil ang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng kaalyado nitong Hamas laban sa Israel.

Matatandaan na kabilang sa 25 seaferers ang 17 Pinoy na binihag ng Houthis simula noong Nobiyembre 2023.