-- Advertisements --

Ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas ang “matinding pag-aalala” sa insidenteng naganap sa Vancouver, Canada, kung saan isang sasakyan ang umararo sa Filipino community festival.

Screengrab from PHINVANCOUVER / FB

Sa pahayag ng Philippine Consulate General sa Vancouver noong Abril 26 (local time), ipinaabot nito ang pakikiramay sa mga biktima ng trahedya sa Lapu Lapu Day Block Party.

Ayon sa Vancouver Police Department, ilang tao ang nasawi at marami ang nasugatan matapos sumagasa ang isang sasakyan sa Sunset on Fraser neighborhood, bandang alas-8 ng gabi.

Arestado na ang driver ng sasakyan.

Trending sa social media ang mga larawan at video ng mga nakahandusay na katawan, mga debris, at isang itim na sasakyang wasak ang harapan.

Samantala nagpaabot din ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Mark Carney.

‘I offer my deepest condolences to the loved ones of those killed and injured, to the Filipino Canadian community, and to everyone in Vancouver,’ ani Carney sa kanyang social media post.

Screengrab from Prime Minister Mark Carney / X account

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon mga mga pulisya at hinihintay pa ang karagdagang detalye mula sa bilang ng mga nasawi.