-- Advertisements --
image 616

Naghahanda na ang pamahalaan para sa posibleng worst-case scenario sa suplay ng bigas sa bansa sa gitna ng banta ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez, itinuturing ng DA ang epekto ng El Nino sa agricultural production gaya ng epekto ng ibang kalamidad gaya ng bagyo.

Saad pa ni Estoperez na naatasan ang National Food Authority (NFA) para bumili ng palay para sa buffer stock ng bansa subalit kapag posibleng lumala aniya ay mayroong Rice Tariffication Law kung saan maaaring umangkat ang bansa sakaling magkaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas base sa Republic Act 11203.

Paliwanag pa ng DA official na kailangan na magkaroon ng 52 araw na imbentaryo at kapag nabigong maabot ito ng NFA ay kakailanganin na aniyang mag-angkat ng bigas.

Nauna na ring sinabi nio na ang bagamat nauna ng ibinabala ng waether state bureau na maaaring maramdaman ang epekto ng tagtuyot sa Visayas at Mindanao ay kaukulang paghahanda pa rin ang isinasagawa sa buong bansa.