Plano ng pamahalaan na magsagawa ng special vacciantion days bago magtapos ang buwan ng Marso sa mga lugar na may mababang immunization coverage.
Paliwanag ni National Vaccination Operations Center Co-lead Dr. Kezia Lorraine Rosario na ang special vaccination days ay magiging targeted approach kumapara sa isinagawang national vaccination days sa buong bansa.
Pinaplano aniya na magsagawa ng special vaccination days sa cebu province dahil dito ang may pinakamataas na bilang ng hindi pa nababakunahan.
Maliban pa sa Cebu, tinitignan din ng pamahalaan ang ppagrolyo nito sa ilang parte ng Mindanao partikular na sa Lanao del Sur. mga lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at sa mga probinsiya ng Region 12.
Target nga ng pamahalaan na makumpletong mabakunahan ang 70 million indibdiwal hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso.
Top