-- Advertisements --

Nilinaw ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chairman at CEO Alejandro Tengco na walang plano ang pamahalaan na buhayin ang mga operasyon ng e-sabong.

Aniya, walang marching orders si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ibalik ang online sabong. Tiyak din aniya na wala sa isip ng pangulo ito sa ngayon.

Maaalala na noong Mayo 2022, ipinag-utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng online cockfighting operations.

Nag-isyu na rin si Pangulong Marcos ng Executive Order No. 9 noong Disyembre 2022 na nag-aatas sa patuloy na suspensiyon ng mga operasyon ng e-sabong sa buong bansa.