-- Advertisements --

CAUAYAN- Inaalam na ng Pamahalaang Lokal ng Cabatuan ang lahat ng impormasyon may kaugnayan sa nasabat na Lorry truck sa Mariveles Bataan na may kargang 40 kilo-liters ng unmarked diesel.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernardo “Panyong” Garcia sinabi niya na ikinagulat niya ang ulat sa pagkakasabat sa 40 kilo-liters ng diesel mula sa isang lorry truck na umano’y mula sa Cabatauan Isabela sa Mariveles Bataan gayung wala namang oil reffinery sa naturang bayan.

Upang maberipika ang katotohanan ng lumabas na ulat mula sa Bureau of Custom ay tinawagan niya ang Licensing officer para malaman at matukoy kung sinu-sino ang nagmamay-ari ng oil tanker sa bayan ng Cabatuan.

Sa katunayan aniya maging siya ay naliligalig sa naturang usapin dahil nagdudulot ito ng batik at negatibong imahe sa pamahalaang lokal ng Cabataun.

Sinisikap na ngayon ng Cabatauan Police Station na alamin ang lahat ng detalye may kaugnayan sa nasabat na unmarked diesel ng BOC Bataan.

Matatandaang Nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa mahigit P12 million halaga ng unmarked diesel sa ikinasang follow-up operation sa Mariveles, Bataan.

Sinabi ng BOC na ang operasyon sa Seafront Shipyard at Port Terminal Services Corporation sa Barangay Lucanin Mariveles ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng lorry truck na naglalaman ng 40 kiloliters ng diesel.

Ayon sa BOC, ang naturang nasamsam na diesel ay nakatakda sanang ilagay sa mga barkong Meridian Cinco at MV Seaborne Cargo 7 na kasalukuyang sumasailalim sa repair services sa nasabing shipyard.

Base din sa mga nakuhang dokumento, napag-alaman na ang nakumpiskang 40 kiloliters ng diesel ay nagmula sa Cabatuan, Isabela.

Nagsagawa rin ng fuel markiing testing sa samples ng diesel para matukoy ang presensiya ng fuel marker.

Natuklasan sa initial at confirmatory test result na walang presensiya ng fuel marker.

Bunsod nito, inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ang mga operator ng lorry truck at trailer na naglalaman ng unmarked diesel dahil sa paglabag ng mga ito sa Customs Modernization and Tariff Act at DOF-BOC-BIR Joint Circular 001-2021.