-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sumailalim sa Real Property Tax Awareness Program (RPTAP) ang mga barangay chairmen at treasurers mula sa bayan ng Antipas, Cotabato.
Ang aktibidad ay naglalayong mabigyan ng tama at komprehensibong impormasyon ang mga opisyal ng barangay hinggil sa real property tax, Republic Act 7160 at iba pang mahahalagang kaalaman hinggil sa taxation.

Ang RPTAP ay isa sa mga inisyatibong programa ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na makakatulong upang mapataas ang tax revenue ng lalawigan na siyang ginagamit ng pamahalaan sa pagtatatayo ng mga proyektong imprastraktura, pagbibigay ng iba’t ibang serbisyong kinakailangan ng mamamayan, at iba pa.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Assessors Office (PASSO) at Provincial Treasurer’s (PTO) na isinagawa sa Antipas Tourism Office, Antipas, Cotabato.