-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato matapos ihayag ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang gagawing year-end relief sa mahigit 400,000 vulnerable families in crisis situation bago matapos ang taong 2022.

Matatandaang naglaan ng abot sa P146,800,000 ang probinsya upang makabili ng 80,000 na sako ng bigas na ipapamahagi sa bawat pamilyang Cotabateño.

Sa pagdating ng mga bigas sa probinsya noong nakaraang araw agad namang nagtulong-tulong sa pag repack ng nasabing relief ang mga volunteers at organisasyon mula sa ibat-ibang bayan ng lalawigan kasama ang buong Serbisyong Totoo team at mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) mula sa Lalawigan ng Cotabato.

Aasahang sisimulan ang pamamahagi sa susunod na mga araw kung saan ang bawat pamilyang benepisyaryo ay makakatanggap ng tig-10 kilong bigas na pangungunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ng Local Government Units (LGUs) ng 17 na Munisipyo at 1 siyudad ng probinsya ng Cotabato.