KALIBO, Aklan—Inaasahan ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) na matalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa araw ng Lunes ang pagtugon sa sektor ng mangingisda kaugnay sa pagbagsak ng kanilang kita.
Ayon kay Joey Marabe ng PAMALAKAYA Zambales, nasa 60% ang ibinagsak ng kanilang kita matapos na lumalala ang naranasang tensyon ng mga mangingisda sa paglapit ng mga ito sa bahagi ng West Philippine Sea.
Nais aniya nilang marinig mula sa talumpati ng Punong Ehekutibo kung may gagawing hakbang ang pamahalaan ukol sa dumaraming presensya ng mga Chinese Vessel sa nasabing karagatan.
Sa kasalukuyan aniya ay nasa 40% na lamang ang kanilang kabuuang kita sa bawat pagpapalaot ng mga ito.