-- Advertisements --
Tiniyak na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na wala ng magiging aberya para sa pamamahagi nila ng tulong pinansiyal sa mga Public Utility Vehicles (PUV) operators.
Sinabi ni LTFRB National Capital Region director Atty. Zona Tamayo, nagkaroon lamang ng aberya sa mga nagdaang araw dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Ang cash assistance sa mga operators na naapektuhan ng COVID-19 ay bahagi ng P9.5 billion na alokasyon sa mga namamasada na nasa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act.
Makakatanggap ng P6,500 na tulong ang mga public utility jeepneys, UV Express, PhilCab, buses at mga mini-buses.