-- Advertisements --
Pansamantalang itinigil city government Taguig ang pamamahagi ng ayuda sa Silangan Elementary School sa Barangay Upper Bicutan.
Sinabi ni Nikki Rose Operario ang namumuno sa city social welfare and development office na natigil ang pamamahagi dahil nagkagulo a ng mga residente na tatanggap ng nasabing ayuda.
Target sana nila na 2,000 ang mabibigyan subalit 600 lamang ang nakatanggap.
Nagkaroon aniya ng tulakan at hindi na nasunod ang proseso kaya hindi na nila itinuloy ang pamamahagi ng ayuda.
Itinakda naman na nila sa ibang araw sa ibang araw ang nasabing pamamahagi ng ayuda.
Nagtalaga na sila ng mga tao para sagutin ang mga katanungan ng mga residente na naapektuhan ng pamamahagi ng ayuda.