-- Advertisements --

Pinalawig ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng hanggang Agosto 31 ang pamamahagi ng cash assistance sa mga residente ng Metro Manila na apektado ng naunang quarantine restrictions.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na mayroong ibang mga LGU sa NCR ang hindi pa nakakapagtapos ng pamamahagi ng kanilang mga pamamahagi ng ayuda.

Mula ng magsimula ang pamamahagi noong Agosto 11 ay mayroon ng P8.4 milyon ang naipamahagi o 75% na.

Unang itinakda ang deadline ngayong araw at dahil marami pa rin ang hindi nakakatapos ng kanilang pamamahagi ng cash aids.

Bukod sa NCR ay kabilang ang Laguna at Bataan kung saan mabibigyan ng tig- P1,000 na tulong pinansiyal at maximum na P4,000 kada pamilya.