CAUAYAN CITY- Pansamanatalang sinuspinde ng Schoold Division Office (SDO) Cauayan city ang pamamahagi ng mga learning modules sa mga paaralan dahil sa tumataas na kaso ng COVID 19 sa Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Schools Division Supt. Dr. Alfredo Gumaru Jr., sinabi niya na dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 ay kailangan nilang gumawa ng hakbang upang maprotektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral at ng mga guro.
Aniya, karamihan sa mga paaralan na nag-suspinde sa pamamahagi ng self learning modules ay nakahimpil sa poblacion area o sa hotspot area.
Ayon pa kay Dr. Gumaru na malaking hamon ngayon para sa SDO Cauayan City ang kasalukuyang new learning set-up na sinasabayan pa ng pagpopositibo ng ilang guro at non-teaching personnel ay hindi tumitigil ang kanilang pamunuan sa pagbibigay ng nararapat na edukasyon para sa mga mag-aaral.
Sa kasalukuyan ay nililimitahan na rin ang paglabas ng mga guro at non teaching staff at isinasagawa na lamang ang kanilang monitoring sa kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang mga group chats.