-- Advertisements --

Tinatayang masisimulan na ang pamamahagi ng P500 fuel subsidy para sa sambahayan bago ang May 9 election.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na mayroon na aniyang source o pagkukunan ng pondo para sa naturang fuel subsidy para sa low-income household mula sa unused cash balances sa nakalipas na mga pondo.

Sa oras na mailabas ang naturang pondo, ang Department of Social Welfare and development ang ahensiya na pangunahing responsable para sa distribusyon ng naturang ayuda.

Ani Salceda na saklaw ang pamamahagi ng naturang assistance sa exempted mula sa Comelec election spending ban.

Ang household fuel subsidy ay upang maibsan ang impact ng kasalukuyang fuel price crisis para sa mahihirap na kababayang Pilipino.