-- Advertisements --
Target ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tapusin ngayong linggo ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng social amelioration program (SAP) sa Metro Manila.
Ayon kay DILG spokesperson Jonathan Malaya, ito ang naging pagtitiyak sa kaniya ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) sa ginawa nilang pagpupulong.
Kasama ring mabibigyan ang mga jeepney driver sa mga waitlist.
Aabot sa P8,000 ang nakatakdang tatanggapin ng bawat pamilya na benepesaryo ng nasabing SAP.
Sakaling ang pamilya na hindi nakatanggap ng unang pamamahagi ay kanila itong ibibigay ng minsanan na nagkakahalaga ng P16,000.