-- Advertisements --

Sinimulan na ng Quezon City government ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa naging advisory ng QC government, tatanggapin ng 248,406 na mga beneficiaries ang tatanggap ng financial assistance ng DSWD.

Kailangan lamang makipag-ugnayan ang mga residente sa kanilang barangay para malaman kung sila ay makakatanggap ng P8,000 o P16,000 na ayuda.

Magsisimula naman sa Lunes ang mobile payout ng sa limang barangay na kinabibilangan ng Batasan Hills, Holy Spirit, Pasong Tamo, Commonwealth at Payatas.