-- Advertisements --

Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Taguig ang pamamahagi ng “Stay-at-Home Family Food Packs” para sa mga residente nito, isang araw bago isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR).

Ang pamamahagi ng lokal ng pamahalaan ng maagang food packs ay dahil sa ECQ na magsisimula bukas August 6 hanggang August 20.

Una ng kinumpirma ng DOH na mayruon ng local transmision ng highly contagious Delta variant sa bansa.

Siniguro naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na ang mga pangangailangan n bawat pamilya ay kanilang tutugunan.

“We guarantee you that the needs of every family will be taken care of. We will make sure that assistance from both local and national government will be distributed to Taguigeños,” pahayag ni Mayor Lino Cayetano.

Ang bawat food packs ay mayruong bigas, canned goods, coffee, energy drinks at instant noodles, na maaaring kaiinin hanggang tatlo at apat na araw.

Una ng hinimok ni Mayor Lino ang mga unvaccinated Taguigeños na i avail na ang libreng bakuna para matiyak na protektado ito sa nakamamatay na virus.

“Our vaccination sites are open and our frontliners are ready to accommodate you. I would like to ask for your cooperation, please register to TRACE and get vaccinated,” dagdag pa ni Mayor Lino.

Binigyang-diin ng alkalde sa mga Taguigeños na ipagpatuloy ang pagsunod sa health and safety protocols.

Sa sandaling maging epektibo na ang ECQ, tanging mga authorized persons outside residence ang maaaring lumabas.”We are ready and we will always take care of each other in Taguig,” wika ni Mayor Lino.