-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Ibabalik na ng Boracay Inter-Agency Task Force sa lokal na pamahalaan ng Malay ang pamamahala sa isla ng Boracay sa susunod na taon.

Ayon kay Natividad Bernandino, general manager ng Boracay Inter Agency Management and Rehabilitation Group, hangga’t nasa ilalim pa ng task force ang isla ay kailangang sumunod dito ang LGU-Malay.

Ito ay kasunod ng hiling ni re-elected Malay Mayor Ceciron Cawaling na magkaroon ng open dialogue sa mga miyembro ng task force.

Si Cawaling ay sinuspinde ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa umano’y pagpapabaya sa environmental problems sa isla.

Nabatid na simula nang ipasara ang Boracay noong nakaraang taon, ang task force na ang nag-take-over dito.