Pormal nang isinalin sa Philippine National Police (PNP) mula sa Philippine Public Safety College (PPSC) ang pamamahala sa National Police Training Institute (NPTI).
Ito ay alinsunod na rin sa Republic Act No. 11279 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Abril, na naglilipat ng lahat ng police training sa PNP.
Pinangunahan nina PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang ceremonial turnover na ginanap sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna.
Una nang sinabi ni Albayalde na ang pagbibigay sa PNP ng “full control and supervision” sa PNPA at NPTI ay makakatulong sa pagsasanay ng mas-disiplinadong mga pulis.
Nabatid na mayroong 5-year transition plan ang PNP sa PNPA at NPTI kung saan kasama rito ang panibagong table of organization, staffing-pattern, at equipment requirement.