-- Advertisements --

Idineklara ng gobernador ng New York na isang health emergency ang gun violence.

Dahil dito ay magiging kauna-unahang estado ng US ang New York na magdeklara bilang disaster emergency order sa patuloy na pagtaas ng kaso ng gun violence.

Sinabi ni New York Governor Andrew Cuomo na kaya niya pinirmahan ang executive order ay dahil pumalo na sa mahigit 50 insidente ng pamamaril ang naitala noong Hulyo 4.

Aabot din sa $138.7 milyon na pondo ang kanilang gagamitin para sa gun violence intervention at prevention programmes.

Nauna ng sinabi ng FBI na tumaas ng 25% ang kaso ng gun violence US noong 2020.