Binatikos ng Fulton County District Attorney ang paghawak ng mga kapulisan sa Atlanta sa pamamaril kay Rayshard Brooks.
Sinabi ni DA Paul Howard, na walang anumang banta sa buhay ng mga kapulisan ang ginawa ni Brooks at ang pagpatay sa kaniya hindi makatarungan.
Ang 27-anyos na si Brooks ay aarestuhin na sana dahil sa nagmamaneho ito habang nakainom subalit ng ito ay nakatakdang posasan ay tumakbo at kinuha nito taser ng isang pulis bago tumakbo hanggang binaril na ito ng pulis.
Dahil sa pangyayari ay tinanggal sa puwesto ang pulis nakabaril na si Garrett Rolfe habang nasa inilagay sa administrative duty ang kasama nitong si Devin Brosnan at nagbitiw sa kaniyang puwesto si police chief Erika Shields.
Inihahanda na ng District Attorney ang kasong murder, felony murder o involuntary manslaughter.
Nagbunsod ang nasabing kamatayan ni Brooks ng panibagong kilos protesta sa lugar.