-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tukoy na umano ang mga suspek na namaril-patay sa isang delivery boy ng LPG sa Kidapawan City.

Nakilala ang biktima na si Dionesio Enaje Jr, 52, may asawa at residente ng Barangay Lanao, Kidapawan City.

Ayon sa follow-up investigation ng Kidapawan City PNP na habang nagmamaneho ang biktima sa isang delivery tricycle at maghahatid sana ng LPG sa kanilang kostumer sa Baroy Street, Barangay Lanao sa lungsod nang dikitan ito ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis naming tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng town proper.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa ulo at likod.

May mga sibilyan umano ang nagsasabi na kilala nila ang mga suspek na namaril patay sa biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa pamamaril sa delivery boy.