Mariing kinondena ng Commission on Elections (Comelec) ang nangyaring pamamaril sa Provincial Election Supervisor (PES) ng Sulu na si Atty. Vidzfar Julie, ngayong araw.
Nangyari ang insidente sa Zamboanga City kaninang umaga lamang.
Nasa maayos na kondisyon ang opisyal ng poll body ngunit ang kapatid niya na kasama sa loob ng sasakyan ay nasa kritikal na kondisyon.
Hinimok naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang mga otoridad na agarang gumawa ng aksyon patungkol sa pangyayari upang matiyak na mapapanagot ang nasa likod ng krimen.
“No words are enough to condemn this treacherous act of violence against our people. What is more gruesome and unforgivable is when a loved one is caught in the crossfire, so to speak. We are not yet prepared to cry hopelessness, but a call for immediate action from authorities is strongly demanded,” wika ni Chairman Garcia.
Sa post naman ni Atty. Julie, tinawag nitong mga duwag ang nasa likod ng pangyayari at hinamon niyang lumantad ang mga ito at magpakilala.